Manila, Philippines – Nangako si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na patuloy na makikipagtulungan sa paglaban sa terorismo sa bansa.
Ito ay matapos na kidnapin at pugutan ng ulo ng mga teroristang Abu Sayyaf si Canadian National Robert Hall noong 2015.
Ayon kay Trudeau, hindi sila bibitiw sa paglaban sa terorismo partikular na ang pagbibigay ng hustisya sa pamilyang naiwan ni Hall.
Patuloy aniyang magiging kabahagi ang Canada sa international efforts sa paglaban sa terorismo at sa mga krimen tulad ng kidnap for ransom na nangyari sa kanilang kababayan na hinostage ng ASG.
Tiniyak ni Trudeau na mananagot sa batas ang mga patuloy na masasangkot sa terorismo.
Sa pagkakaalam naman ni Trudeau ay napatay na rin ang mga mga myembro ng ASG na kumidnap noon kay Hall.