CANADA – Nanindigan si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na hindi sila magbabayad ng ransom para palayain ang isa pang canadian national na bihag ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos ang pagpugot kay John Ridsdel.Nangako si Trudeau na dapat dumaan legal na proseso ang paghuli sa bandidong grupo kaysa magbayad sa hinihinging nitong milyon-milyong dolyar na ransom ng mga ito.Sinabi ng Canadian Prime Minister na nagkasundo sila ni British Prime Minister David Cameron na ipagpatuloy ang kanilang alyansa sa pagresolba sa isyu.Iginiit ni Trudeau na dapat maipaintindi sa mga terorista na hindi nila maaring ipagpatuloy ang pagpopondo sa paghahasik nila ng krimen at karahasan mula sa mga inosenteng bihag.Si Ridsdel ay isa sa mga dinakip ng ASG noong September kasama ang isa pang Canadian na si Robert Hall, partner nitong Pinay na si Maritess Flor at Norwegian na si Kjartan Sekkingstad na manager ng Ocean View Samal Resort sa Sulu.
Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Nanindigang Hindi Magbibigay Ng Ransom Sa Abu Sayyaf Group Kapalit Ng Isa Pang B
Facebook Comments