CANADA – Kinumpirma ng Canada ang pagpugot ng mga bandidong Abu Sayaff sa Canadian hostage na si John Ridsdel sa Jolo, Sulu.Ito’y ilang oras matapos ma-expired ang ransom deadline na binigay ng bandidong grupo.Agad kinondena ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang insidente kung saan nangako ito na makikipagtulungan sa pamahalaan ng Pilipinas para mahuli kung sino ang may kagagawan sa pagpugot.Nagpahatid na rin ito ng pakikiramay sa pamilya at kaibigan ng pinatay na Canadian.Natagpuan ang pugot na ulo ni Ridsdel sa Jolo Municipal Hall na umanoy iniwan ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo.Pinugutan ng Abu Sayaff si Ridsdel matapos ang ultimatum na ibinigay ng mga bandido para sa hinihinging tig-iisang daang milyong pisong ransom sa apat na bihag.Dinukot si Ridsdel, kasama ang kababayang si Robert Hall, Norwegian na si Kjartan Sekkingstad at pinay na si Marites Flor sa Samal Island noong Setyembre.
Canadian Prime Minister, Kinondena Ang Pagpugot Ng Abu Sayaff Sa Bihag Na Canadian National
Facebook Comments