Canadian Prime Minister Trudeau, hinamon na ipahakot na agad ang mga basura ng Canada

Manila, Philippines – Nanawagan si Anakpawis Rep. Ariel Casilao na agad na ipahakot ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang mga basurang dinala dito sa Pilipinas.

Ito ay para patunayan ni Trudeau na totoo ang kanyang binitawang pangako kahapon sa ASEAN-CANADA 40th Anniversary Commemorative Summit kung saan sinabi niyang committed sa paghahanap ng solusyon ang Canada sa kanilang mga basurang naririto sa Pilipinas.

Giit ni Casilao, umaasa silang magiging agaran ang pag-aalis ng mga basura ng Canada na tatlong taon na nakatambak sa bansa.


Nangangamba ang kongresista na maging banta sa kalusugan ang basura ng Canada kung patuloy na tatagal pa ito sa bansa.

Ipinaalala din ng kongresista na ang nangyaring pagtatapon ng basura ng Canada sa bansa ay bunsod na rin ng korapsyon noon sa Customs na huwag na sanang maulit ngayon.

Pinuna din ng mambabatas ang trade policy ng bansa na masyadong bukas sa foreign exports na madalas ay nauuwi sa pang-aabuso.

Facebook Comments