
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malaking problema para sa kabataan ang cyberbullying, lalo na sa Gen Z na halos buong araw naka-online.
Sa kaniyang podcast, tinalakay ng Pangulo ang panganib ng paninira at pang-aalipusta sa social media, na maaaring magdulot ng matinding kahihiyan at negatibong epekto sa mental health.
Isa aniya ang Pilipinas sa pinakamalalakas gumamit ng internet kaya mas exposed ang mga kabataan sa masasakit na komento at cancel culture.
Kaugnay nito, nagpaalala ang Pangulo na dapat bigyang-halaga ang mental health at huwag hayaang maging buong mundo ng kabataan ang internet dahil mas mahalaga pa rin aniya ang tunay na buhay at pakikisalamuha sa labas ng screen.
Nanawagan naman ang mga estudyante ng mas malinaw na pagtuturo ng tamang asal sa social media para maiwasan ang pambu-bully online.









