CANCELLED FLIGHTS | 6 flights papuntang Basco Batanes at pabalik sa Maynila, kanselado na dahil sa sama ng panahon

Ilang flights ng Cebu Pacific Air, Air Swift at SkyJet ang kinansela ngayong umaga dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng NAIA-Manila International Airport Authority, hindi naka-biyahe ang:

SkyJet Flights 816/817 papuntang Basco, Batanes at pabalik ng Maynila.


Kanselado rin ang CebGo Flights DG 6009/6010 at Air Swift Flights T6 837/838 na biyaheng Manila-Basco-Manila.

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kani-kanilang airlines para sa rebooking ng kanilang cancelled flights.

Facebook Comments