CANCELLED FLIGHTS | Ilang domestic flights, kanselado na dahil sa masamang panahon

69

Manila, Philippines – Kanselado na ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw bunsod ng masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) – kabilang sa kinansela ang dalawang Cebgo flights na dg 6009 at dg 6010 o biyaheng Manila-Basco-Manila.

Pinayuhan naman ng ahensya ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang ticket.

Facebook Comments