CANCELLED | UPCAT, kinansela dahil sa bagyong Ompong

122

Manila, Philippines – Kasunod ng inaasahang pagpasok ng bagyong si ompong sa bansa, hindi na muna matutuloy ang nakatakdang University of the Philippines College Admission Test o UPCAT.

Ito ang inanunsyo ng UP Diliman sa kanilang official twitter account.

Ayon sa UP system, Nationwide ang kanselado kahit na ang mga lugar na hindi na direktang apektado ng papasok na bagyo.

Aniya, hindi madali ang mag-reset ng examination date kaya’t dalawang linggo pa bago mag-anunsyo ng panibagong petsa para sa UPCAT.

Sa Sabado at Linggo September 15 at 16 sana ang nakatakdang examinations para sa gustong mag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas.

Facebook Comments