CANCER | Bilang ng mga Pilipino na nagkakasakit, tumataas

Manila, Philippines – Patuloy ang pagsusumikap ng Philippine Society of Medical Oncology para malabanan ang sakit na cancer sa bansa

Sa datus ng PSMO, nakapagtala na agad sila ng 141k cases na mga Pilipino na nagkacancer mula january 2018 hanggang October 2018

Ayon kay Dr. Ellie May Villegas ng PSMO Multimedia Committe, breast cancer, cervix, colorectal, lung at ovary ang kadalasang uri ng cancer para sa mga kababaihan


Habang liver, prostate, lung, colorectal at leukemia ang cancer ng mga Pilipinong lalaki

Sinabi pa nito na dapat sa hospital magpagamot ang pasyente ng cancer at hindi kung saan saang klinika

Samantala, umaasa naman sila na maipasa ang National Integrated Act Cancer Control Act ni Cong. Afred Vargas para Mas makatulong ang gobyerno na malaban ang sakit na cancer lalo’t ang nasabing sakit ay walang pinili, mayaman man o mahirap.

Facebook Comments