Manila, Philippines – Tinatrabaho ngayon ng Pamahalaan na matanggalan din ng Value Added Tax o VAT ang mga maintenance medicine para sa mga may sakit na Cancer.
Ito ay sa harap narin ng pagsasabatas ng pagtatanggal sa maintenance medicine particular sa cholesterol, diabetes at hypertension.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo sa isinagawang briefing sa Malacañang ay pinaguusapan na ngayon ito at pinag-aaralan na ng interagency working group kasama ang iba’t-ibang Non-Government Organizations.
Sinabi ni Domingo na malakas ang panawagan ng maraming grupo upang maisunod narin ng pagsasabatas ng magtatanggal ng VAT sa cancer medicines.
Samantala sa iba pang balita, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Makati City Regional Trial Court judge Ronald Moreno bilang bagong Associate Justice ng Sandiganbayan pero noong June 8, 2018 pa ang petsa ng appointment paper nito at ngayon lamang inilabas ng Malacanang ang nasabing dokumento.