CANDLE AT ECO BAG-MAKING, HANAPBUHAY NG MGA PWD SA BAYAN NG ASINGAN

Pinagkakakitaan ng mga Person with Disabilities (PWDs) ang paggawa ng kandila at eco-bag sa Bayan ng Asingan.
Noong 2005 pa nagsimulang gumawa ng mga kandila ang mga PWD na nagmula sa 21 barangay ng nasabing bayan.
Ayon kay Rose Ann Alfonso, isang PWD affairs officer, nabigyan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang kanilang asosasyon ng humigit-kumulang PHP30,000 bilang paunang kapital at sinanay ang mga ito sa paggawa ng kandila na kalaunan ay naging source of income na nila.

Alinsunod naman sa ipinapatupad ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa pagbabawal ng single-use plastic sa lahat ng palengke, itinalaga ang mga PWDs upang gumawa ng Eco-bag na maaaring mabili sa palengke para sa gagamiting lagayan ng mga mamimili.
Nakatulong ito sa pagbaba ng halos limampu’t porsiyento sa koleksyon ng basura.
Samantala, mataas ang demand ng kandila tuwing All Saints’ Day at All Souls’ Day kaya naman, mas pinapabuti nila ang paglikha nito at ngayon ay available na rin ang may iba’t ibang disenyo at scented na bentang kandila.

Sa kabila ng kanilang kapansanan, pinatunayan nilang kapaki-pakinabang ang mga kakayahang taglay nila na nagbibigay benepisyo sa kanilang komunidad at sa buong bayan ng Asingan. |ifmnews

Facebook Comments