Ipinatawag sa Manaoag Police Station ang lahat ng rehistradong candle at parking boys noong Pebrero 1, kinaumagahan matapos lumabas ang video ng isang vlogger na nagsiwalat ng umano’y pambubudol ng isang candle boy.
Ayon sa vlogger na galing Bicol at bumisita lamang sa simbahan ng bayan, matapos mag-viral ang video, nagsilipana sa comment section ang iba pang umanong nabudol sa Manaoag.
Dahil dito, agad na pinulong ng pulisya ang mga rehistradong candle at parking boys upang ipaalala ang patas na pagtitinda sa paligid ng insidente
Pinayuhan ang mga ito na i-report ang sinumang nanlilinlang o nag-oover price upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.
Ayon sa alkalde ng bayan, hindi dapat husgahan ang lahat dahil karamihan ay nagsusumikap lamang para sa kanilang kabuhayan.
Banta naman ng lokal na pamahalaan, ang sinumang mahuhuling lumabag sa patakaran ay mahaharap sa kaukulang parusa.






