Candy Pangilinan, ibinahagi ang mga natutunan sa kanyang failed marriage

51
Photo Courtesy: Celestine Gonzaga-Soriano

Malayo sa pagiging komedyante, emosyonal na ibinahagi ni Candy Pangilinan kung paanong natapos ang kanyang marriage, higit isang taon lang matapos silang ikasal ng dati niyang asawa.

Sa YouTube vlog ni Toni Gonzaga, ikinuwento ni Pangilinan na bago pa man sila ikasal ay nahuli na niya na may illicit affairs ang kanyang ex-husband.


Dahil dito nagdesisyon siyang magbuntis sa pag-asang maisasalba ng baby ang kanilang pagsasama pero iniwan din siya nito pagkatapos niyang manganak.

Bagama’t failed ang marriage, blessing pa rin daw para sa kanya ang pagdating ni Quintin.

Naniniwala rin si Candy na ang sakit na naranasan niya sa kanyang relasyon ay para ihanda siya ni Lord sa pagharap sa sitwasyon ng kanyang anak na may special needs.

Facebook Comments