Cannabis oil na nakalagay sa parcel, nasabat sa Pasay City

28 bote ng Cannabis oil na idineklarang nutritional christmas gifts ang nasabat ng Bureau of Customs sa Central Mail Exchange Center sa Domestic Road, Pasay City.

Nabatid na Cannabis oil na 30ml kada bote ay pinadala mula Amerika ng Todd Humpherys at naka-consign sa isang Liza Cacayorin McLanachan, 49 years old at residente ng Makati City.

Agad namang naaresto ang consignee na si McLanachan na umaming para sa personal niyang pangangailangan ang Cannabis oil na pinadala sa kanya.


Nakatakda namang sampahan ng kasong Illegal Importation of Prohibited Substance ang registered consignee na si Liza Cacayorin McLanachan.

Nagpaalala naman ang mga otoridad na bagama’t legal na sa ibang bansa ang Cannabis, nananatili anila itong iligal sa Pilipinas kaya ang sino mang mahuhuling nag-ingat nito ay aarestuhin at sasampahan ng kaukulang kaso.

Facebook Comments