Iginiit ni Senator Francis Tolentino na hindi dapat hybrid o naka video conference lamang kapag nagtipon sa Mayo ang mga senador at kongresista na miyembro ng National Board of Canvassers.
Ayon kay Tolentino, dapat ay physically present o face-to-face ang mga bumubuo sa national canvassing board para sa kanilang pag-canvass sa mga boto na para sa mga kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo
Paliwanag ni Tolentino, ito ay para kanilang masuri mg sariling mata at mahawakan ang mga certificate of canvass na manggagaling sa mga Provincial Board of Canvassers.
Sabi ni Tolentino, dapat nila yung mahawakan na hindi nila magagawa kung sa pamamagitan ng Zoom o virtual lang ang canvassing.
Samantala, naniniwala naman si Tolentno na mag-iinhibit si Senate President Tito Sotto III bilang Chairman ng canvassing board dahil siya ay kandidato sa pagkabise presidente.