Ipinagpaliban muna ang pag-canvass ng boto ng National Board of Canvassers o NBOC-Congress sa Mandaluyong City at Sulu.
Ito ay dahil wala sa mga ballot boxes ng Mandaluyong at Sulu ang manually transmitted na Certificate of Canvass o COCs.
Agad na ipinag-utos nila joint Canvassing Committee Chairmen Migz Zubiri at Martin Romualdez sa Senate at House secretariat na agad makipag-ugnayan sa Commission on Elections (COMELEC) officer na in-charge sa dalawang lugar.
Matatandaang kahapon din ay na-defer ng NBOC-Congress ang canvassing ng boto sa Sultan Kudarat, Surigao del Sur at Pampanga.
Agad din namang naresolba ang isyu matapos paharapin via online ang mga provincial election supervisors at makapagpaliwanag sa joint canvassing committee.
Ipinakita ng mga ito ang photocopy ng manually COCs at nakitaan na wala namang discrepancy sa electronically transmitted na COCs.