Halos patapos na ang National Board of Canvassers o NBOC-Congress sa canvassing ng mga boto para sa mga kandidato sa presidente at bise presidente.
Ngayong alas 2:40 ng hapon, umabot na sa 91.33% ang mga certificate of canvass o COCs na nabilang ng joint canvassing committee.
Labing lima na lamang na mga COCs ang ika-canvass ng mga mambabatas.
Sa mga kandidato, nangunguna pa rin si presumptive President Bongbong Marcos na may mahigit 31 million na boto na sinundan ni Vice President Leni Robredo na may mahigit 14-M na boto.
Sa mga kandidato sa bise presidente, nangunguna pa rin si presumptive Vice President Sarah Duterte na may mahigit 31-M din na boto na sinundan ni Senator Kiko Pangilinan na may mahigit 9-M boto.
Sa mga lugar na nawawala ang manually transmitted na COCs, tanging Manila na lang ang hindi pa nareresolba.
Samantala, may mga dumating pang ballot boxes sa Kamara na mula sa overseas.
Inaasahang mas mapapaaga ang proklamasyon sa mga bagong pangulo at ikalawang pangulo kapag mas maaga ring natapos ang canvassing at paggawa ng report para dito.