Target tapusin ng Commission on Elections (Comelec) sa loob ng isang linggo ang canvassing ng mga balota ng plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ayon kay Comelec chairperson Sheriff Abas – ang poll body, na tumatayong National Plebiscite Board of Canvassers (NPBOC), ay kukumpletuhin ang pag-canvass bago ang January 26.
Dagdag pa ni Abas – aabot sa 2.1 million na balota ang inimprenta para sa plebisito.
Kung maaprubahan ang BOL, ang ikalang referendum sa February 6 ay tatanungin ang mga residente ng Lanao del Norte at pitong bayan sa North Cotabato kung nais nilang umanib sa bagong Bangsamoro region.
Ipagpapatuloy ngayong araw ang canvassing.
Facebook Comments