Canvassing ng mga boto para sa pagkasenador at party-list, nagsimula na

Nagsimula na ang canvassing ng mga boto para sa pagkasenador at party-list ng Commission on Elections (COMELEC) en banc na nagsisilbing national board of Canvassers (NBOC).

pinangunahan ni comelec chairman saidamen pangarungan ang canvassing ng mga boto bandang alas-7 ng gabi kagabi matapos na dumating ang mga resulta ng eleksyon mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 8, 10, 11, 12, at 13.

Dumating na rin ang mga resulta ng boto mula sa Overseas Absentee Voting.


Habang tanging ang Region 9 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang hindi pa nakakapag-transmit ng resulta ng eleksyon.

Ang mga binibilang na boto ng NBOC ang itinuturing na partial and official result ng halalan at itutugma sa partial and unofficial results na nagmula naman sa kanilang transparency server.

Kasunod nito, sinuspinde ng en banc ang kanilang sesyon bandang alas-9:15 kagabi at itutuloy mamayang 10AM.

Facebook Comments