Canvassing ng mga boto sa presidente at bise presidente, itinigil muna kagabi ng kongreso

Sinuspinde na muna kagabi ng kongreso ang pagbibilang ng mga boto para sa presidente at bise presidente.

Alas-10:00 ng umaga kahapon nagsimula ang Canvassing ng Certificates of Canvass (COCS) at tinapos alas-10:00 kagabi kung saan naproseso na ang 105 mula sa kabuuang 173 na cocs.

Ayon kay Ako-Bicol Party-List Rep. Alfredo Garbin, naging maayos ang proceedings lalo na’t walang tumutol na kandidato sa pagkapresidente at bise presidente sa resulta ng halalan.


Batay sa resulta ng 60 percent ng COCs, nangunguna si presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. na may mahigit 24 million na boto at sinundan ni Vice President Leni Robredo na may 11.4 million at Senator Manny Pacquiao na may 2.9 million.

Nangunguna rin ang running mate ni Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na may 24.1 million na boto para sa vice presidential race.

Samantala, itutuloy ang canvassing ng mga boto mamayang alas-9 ng umaga.

Facebook Comments