Canvassing para sa local absentee voting, uumpisahan sa May 13

Manila, Philippines – Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang canvassing para sa local absentee voting (LAV) sa mismong araw ng halalan, May 13.

Iniimbitahan ng Comelec ang political parties na magpadala ng watchers para sa LAV canvassing na gaganapin sa Palacio del Gobernador building sa Intramuros, Manila.

Ang LAV special board of election inspectors (SBEIS) at ang special board of canvassing (SBOC) ay magko-convene ng alas-5:00 ng hapon sa May 13 para sa simula ng pagka-canvass.


Ang mga miyembro ng SBEIS ay bibilangin ang mga balota ng local absentee voters at kukumpletuhin ang election returns.

Ang SBOCs naman ang magka-canvass ng election returns, kukumpletuhin ang statement of votes, summary ng state of votes at certificate of canvass.

Samantala, nire-review na rin ng poll body ang request na i-extend ang Overseas Absentee Voting o OAV.

Facebook Comments