Canvassing sa halos 400 plebiscite returns ng Cotabato City, tapos na

Natapos na ang canvassing sa 374 plebiscite returns para sa Cotabato City para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law o BOL.

Sa ulat, nangibabaw ang yes na may bilang na 36,682 habang nag mga nag-no ay nakakuha ng botong 24,994.

Nangangahulugan ito na kabilang na ang Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na siyang ipapalit sa kasalukuyang ARMM.


Facebook Comments