Nagsagawa ang Manaoag Police Station ng Capacity Enhancement Seminar sa Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) at barangay officials na ginanap sa Barangay Calaocan noong Sabado.
Pinamunuan ni PMAJ Peter Paul V. Sison ang programa kung saan tinalakay sa pagsasanay ang agarang pagresponde sa gulo, pagtunton sa ilegal na gawain, at pangangalaga sa kaligtasan ng mga residente.
Pinatingkad ng programa ang kaalaman ng mga barangay tanod ukol sa pagpapanatili ng kaayusan sa lungsod.
Kabilang sa mga dumalong barangay ang Pao, Sapang, Lipit Sur, Lipit Norte, Bisal, Bucao, Calaocan, Babasit, at Pugaro.
Samantala, winakasan ng ahensya ang programa sa isang boodle fight na pinagsaluhan ng mga dumalo.
Facebook Comments








