Pinalawig ang aplikasyon ng Capital Assistance Loan Program sa mga kababaihang negosyante na naapektuhan ng mga Bagyong Dante, Emong at Habagat sa San Fernando City, La Union.
Sa ilalim nito, maaaring makahiram ng P10, 000 hanggang P50,000 ang isang aplikante na lang walang kolateral at interes.
Bukas ang programa sa mga residente at may negosyo sa lungsod ng abot dalawang taon at hindi dapat benepisyaryo sa alinmang regular na programang pinansyal mula sa gobyerno.
Unang binuksan ang aplikasyon noong September 15 na pinalawig ngayong Oktubre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









