Manila, Philippines – Nagpasaklolo sa Office of the Ombudsman ang pitumpung taong gulang na civic leader sa Roxas City matapos umanong makatanggap ng pangha-‘harass’ sa pamamagitan ng mga pagbabanta sa kanyang buhay.
Sa tatlong pahinang reklamo ng senior citizen na si Essex Quintia, tahasan nitong tinukoy si Capiz Governor Antonio del Rosario na dapat umanong maimbestigahan dahil ito lamang ang may motibo para pagtangkaan ang kanyang buhay.
Una nang inireklamo ng kasong graft at paglabag sa ra 9184 o government procurement reform act ni Quintia si Governor del rosario dahil sa umanoy maanomalyang security contract sa kapitolyo ng capiz dahil kapatid nitong babae ang may ari ng security agency.
Bukod dito nag-‘hire’ din umano si Gov. Del rosario ng mahigit sampung mga kaanak bilang consultant ng provincial government.
Ayon kay Quintia na isang leader ng masa masid, ang anti-graft and anti-illegal drugs program ng DILG, lalong nagalit sa kanya ang gubernador nang magpadala ito ng sulat sa office of the President at idetalye ang umanoy mga anumalya sa kanilang lalawigan.
Naghain na rin ng disqualification ang senior citizen sa Commission on Election laban kay Governor del Rosario.