Roxas City, Philippines – Nakahandang magpadala ng mga police personnel ang Capiz PNP bilang karagdagang puwersa sa Marawi City, ito ang naging pahayag ni Police Senior Superintendent Samuel Nacion, Provincial Director ng Capiz Police Provincial Office.
Sinabi nito na magmumula ang nasabing puwersa sa kanilang Provincial Public Safety Company. Hinihintay lamang ni Nacion ang request mula sa Police Regional Office 6 kung ilang pulis ang kanilang ipapadala.
Samantala mananatili paring nasa full alert status ang Capiz PNP hanggang hindi pa natatapos ang engkuwentro at tensyon sa Mindanao.
DZXL558, *Jessie Llegue Mendoza*
Facebook Comments