Dahil sa matinding trapikong nararanasan sa Metro Manila lalo na sa EDSA
Ipinapanukala na ngayon ang Vehicular Brand Reduction Program o ‘Car Brand Coding Scheme.’
Ayon kay Ariston Gorospe, ang nagsumite ng panukala, sa ilalim nito, hindi papayagang dumaan sa EDSA ang mga private vehicle depende sa brand ng kanilang sasakyan.
Exempted dito ang mga Public Utility Vehicle (PUV), Emergency Vehicle, Cargo Trucks, Government at MMDA accredited vehicles.
Sa ngayon, ipinatutupad ang Number Coding Scheme sa EDSA.
Aminado naman ang MMDA na walang pang traffic plan ngayong pumasok na ang ‘Ber’ Months kung saan mas titindi pa ang trapiko.
Facebook Comments