Car Center sa Santiago City, Nilooban!

144

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang isang insidente ng panloloob sa isang car center establishment sa brgy. Batal Santiago City.

Ito ay matapos ipagbigay-alam ni Eva Salvador area manager sa naturang tanggapan ang insidente sa tanggapan ng Santiago City Police Station 1.


Batay sa pagsisiyasat ay lumalabas na pumasok ang mga kawatan sa bahaging likod ng establishimento at sinira ang lock ng roll up door at tinanggal ang saksakan ng cctv.

Matapos makapasok ay agad sinira ang lock ng ng main door gamit ang pry bar at tinungo ang steel drawer at tinangay ang pera na nagkakahalaga ng 200 000 pesos at mga personal na gamit ng mga staff habang sinira din ng mga ito ang screen ng nakalagay na tv.

Sa ngayon ay patuloy naman sa pakikipag ugnayan ang police station 1 para matukoy ang pagkakakilan lan mg mga salarin sa kanilang ginagawang imbestigasyon.

Facebook Comments

From Advertisers