Umarangkada na ang Car-Free Sundays sa Lungsod ng Maynila sa ilalim ng Ordinance No. 9047.
Sa ilalim nito, bawal munang dumaan ang mga sasakyan maliban sa bisikleta sa Roxas Boulevard mula Padre Burgos Avenue hanggang Quirino Avenue tuwing alas-5 hanggang alas-9 ng umaga.
Layon nitong mahikayat ang publiko na maging fit and healthy sa pamamagitan ng paglalakad o pagbibisikleta.
Nitong linggo ng umaga, personal din na nag-inspeksyon sina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto sa ruta ng Car Free Sundays.
Samantala, inabisuhan naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na sa halip ay gamitin ang Quirino Avenue, Padre Burgos Avenue at Taft Avenue habang sarado ang Roxas Boulevard.
Facebook Comments