Car inspector group, iginiit na mas maraming Pilipinong namamatay sa aksidente sa kalsada kaysa sa COVID-19

Mas maraming Pilipinong namamatay sa aksidente sa kalsada kaysa sa COVID-19.

Ito ang iginiit ng Vehicle Inspection Center Operators Association of the Philippines (VICOAP).

Ayon kay VICOAP President Iñigo Larrazabal, hinimok nila ang mga awtoridad na tugunan ang mga nakakaalarmang mataas na insidente ng road accidents sa pamamagitan ng pagsasa-ayos ng roadworthiness test sa mga sasakyan.


“This issue cannot continue. We aspire to be the premiere country when it comes to road safety. The program for improving testing for roadworthiness has been long overdue, and we can catch up by starting operations as soon as possible,” sabi ni Larrazabal.

Iginiit ni Larrazabal na higit 12,000 na Pilipino ang namamatay kada taon dahil sa road accidents, kumpara sa COVID-19 na halos nasa halos 11,000 lamang ang namatay.

Batay sa datos ng Department of Transportation (DOTr), mayroong kabuuang 138 private motor vehicle inspection centers sa bansa na binigyan ng kontrata para makapag-operate.

Makatutulong ang mga vehicle inspection centers para maitama ang mga problema sa road safety, dahil magagamit dito ang state-of-the-art testing methods.

Sabi naman ni VICOAP Internal Vice President Benson So, isinusulong ng vehicle inspections centers ang transparency sa pamamagitan ng teknolohiya.

Facebook Comments