Patuloy ang pagbuhos ng tulong sa Cordillera Administrative Region (CAR) matapos itong tamaan ng malakas na lindol nuong isang linggo.
Sa ulat mula sa Office of Civil Defense Cordillera, aabot na sa ₱60.2 million ang tulong na kanilang natanggap.
Galing ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Local Government Unit (LGU), Non-Government Organization (NGO) at iba pa.
Binubuo naman ito ng mga pagkain, non-food item, pangkumpuni sa nasirang tahanan at maraming iba pa.
Dumating na rin sa Abra ang United Nations Children’s Fund o UNICEF para i-assess ang sitwasyon ng kanilang malaman kung ano pang mga tulong ang maaaring ipagkaloob.
Nitong mga nakalipas na araw namahagi na ang United States Agency International Development o USAID ng mga shelter tarps sa nga apektadong residente.