Car Napped na Sasakyan, Nasabat sa Alicia!

Alicia, Isabela – Matagumpay na nahanap at nasabat ng mga awtoridad ang isang tinangay na sasakyan kahapon ng hapon,February 22, 2018 sa barangay Magsaysay, Alicia,Isabela

Sa impormasyong ibinahagi ng PNP Alicia, tinangay ang kulay asul na Suzuki Wagon na may plate number XAN – 878 na nakaparada lamang sa Sicat Road, Calaocan,Santiago City mula sa oras na alas otso hanggang alas dyes ng umaga kahapon.

Kaagad umano na nagpaabot ng direktiba ang pamunuan ng IPPO sa Station Commander, Police Station 2, Santiago City at ipinaabot nman sa PNP Alicia sa pangunguna ni PCI Menlchor J.Pascual.


Nabatid na ang naturang sasakyan ay nakarehistro sa pangalan ni Gregorio Cabatuando na pag-aari nman ni Orlando Ruiz Marcelino,25 anyos, walang asawa, isang Accounting Clerk at residente ng Purok 4, Rizal, Santiago City

Nasabat ang naturang sasakyan sa oras na alas singko y medya ng hapon sa nabanggit na lugar habang isinasagawa ang pagpapatrolya sa pangunguna ni SPO1 Melchor Bartolome at tatlo pang kapulisan ng PNP Alicia.

Nahuli ang tatlong nakasakay sa Suzuki Wagon na sina Ammet Ladia Magbaleta,27 anyos, walang asawa, construction worker; Lorencio Dizon Laylo, 29 anyos, walang asawa at isang mechanic ; Jonathan Dizon Laylo,22 anyos, walang asawa at isa ring construction worker na pawang mga residente ng Cabaruan, Cauayan City.

Samantalang pinaghahanap pa ang nakatakas na umanoy nagngangalang Jaypee na tumalilis ng takbo sa pagkakasabat ng nasabing sasakyan.

Nasa pag-iingat na ng PNP Alicia ang tatlong suspek at sasakyan para sa karagdagang disposisyon.

Facebook Comments