Carabao’s Milk Sterilization Facility sa Cagayan Valley, Binuksan na

Cauayan City, Isabela-Matagumpay ang naging operasyon ng kauna-unahang facility para sa sterilization ng Carabao’s milk sa Cagayan Valley.

Ito ay matapos ang ginawang hakbang ng Team KISAVIQ (Kalinga, Isabela, Aurora, Vizcaya, Ifugao and Quirino Province) sa dairy zone ng rehiyon dos.

Ang nasabing pasilidad ay upang mas mapalakas pa ang milk production at marketing sa rehiyon habang tinutupad ang pangako na School-based Feeding Program (SBPF) ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng RA 11037 o “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act”.


Mismong ang may-ari ng Amancio Nicolas Agri-Tourism Academy Inc. na si Noime C. Liangco ang nanguna sa operasyon at ang kahandaan para pagsamahin, iproseso, at ipamahagi ang sterilized carabao’s milk sa mga hindi gaanong maabot na lugar sa Northern part ng Luzon, kung saan inaasahan na mas mapag-iibayo pa ang nutritional status ng mga batang kulang sa nutrisyon.

Kaugnay nito, umalalay naman ang mga tinulungang kooperatiba ng pagawaan ng gatas sa Cagayan Valley gaya ng Quirino Dairy Cooperative (QUIDACO) sa Maddela, Quirino at San Agustin Dairy Cooperative (SADACO) sa San Agustin, Isabela kung saan pinagsama ang natitira pang milk production na layong makapag-ambag sa pagpapanatili at pagsasakatuparan sa adhikain ng dairy zone.

Una nang sinimulan ang unang pagpupulong at strategic plan noong December 11, 2020 sa pamamagitan ng DA-Philippine Carabao Center sa Cagayan State University at iba pang kinatawan ng ahensya at pribadong indibidwal.

Nakumpleto ang pagsasaayos sa pasilidad nitong Abril 15 at inaasahang sisimulan na ang operasyon nito anumang araw.

Aabot naman sa 12,000 packs ng sterilized carabao’s milk ang magagawa sa loob lang ng isang araw.

Ang estratehikong pagpaplano ay isang hakbang upang magtakda ng isang direksyon sa kung paano ang pag-unlad ng pagawaan ng gatas sa rehiyon.

Sa nagpapatuloy na interbensyon, sigurado ang DA-PCC na ang gatas ng kalabaw ay nakatakdang umabot sa malayo, na nakikinabang sa mas maraming kulang sa nutrisyon ng mga bata sa mga dating hindi maabot na mga lugar.

Facebook Comments