Carabaroo exercise ng Philippine at Australian Army, matagumpay na nagtapos

Matagumpay na nagtapos ang Carabaroo 2023 Military Exercise sa pagitan ng Philippine Army at Australian Army sa 1st Combat Engineer Regiment Headquarters, Robertson Barracks, Darwin, Northern Territory, Australia.

Lumahok dito ang 138 tropa ng Philippine Army 1st Brigade Combat Team, First Scout Ranger Regiment, at Special Forces Regiment (Airborne) kasama ang kanilang mga Australian counterpart, at Timor Leste Army.

Dito’y nagsanay ang mga tropa sa dismounted infantry operations sa urban warfare sa loob ng nakalipas na 3 linggo.


Ayon kay Philippine Army contingent Exercise Director Col. Diosdado Carlos Pambid ang pagiging world-class army ay hindi nadadaan sa uniporme at mga parada, kundi sa pag-aaral, pagkabihasa, at patuloy pang pag-aaral upang makamit ang kaayusan at kapayapaan sa rehiyon.

Facebook Comments