Makararanas ng maulap at kalat-kalat nap ag-ulan ang mga rehiyon ng Caraga, Davao, at SOCCSKSARGEN dahil sa pag-iral ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at ng low pressure area (LPA).
Huling namataan ang LPA sa layong 315 kilometers timog-silangan ng Davao City.
Pero ayon sa PAGASA, mababa ang tiyansa na maging isa itong bagyo.
Samantala, makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap at isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa easterlies at localized thunderstorms.
Posibleng magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa kapag may kalakasan ang pag-ulan.
Magiging katamtaman hanggang sa maalon naman ang mga baybaying-dagat sa seaboard ng Extreme Northern Luzon na posibleng umabot hanggang 3.1 metro ang alon.