Abot sa ₱31,123,930 na rehabilitation assistance ang nagamit na ng mga magsasaka sa CARAGA Region na pinadapa noon ng Bagyong Odette.
Magugunita na sinira ng Bagyong Odette ang nasa 4,000 hectares ng mga high value crops kung saan 12,301 na mga magsasaka ang apektado.
Sa kabuuan, nasa ₱4.4 million production loss dahil sa pagsalanta ng naturang bagyo.
Sinabi ni Marco Antonio Morido, Regional Coordinator ng High-Value Crops Development Program (HVCDP) na ang naturang halaga ay ipinambili ng planting materials at farm supplies gaya ng cacao, lowland vegetable seeds, banana lakatan, banana-cardava.
Bumili rin ang Department of Agriculture (DA) ng kumpletong fertilizer, seedling tray, farm tools, at knapsacks sprayer.
Kabuuang 490,231 bags ng iba’t ibang planting materials at farm supplies ang nabili.
37,777 na piraso ng mga ito ay naipamahagi na sa Agusan del Norte, 77,772 – Agusan del Sur, 38,317 – Surigao del Sur, 269,511 – Surigao del Norte at 123,040 para sa Province of Dinagat Islands.
Ayon kay Morido, Local Government Units (LGUs) sa lugar ang tutukoy sa mga most affected farmers bilang priyoridad sa assistance.
Maliban sa HVCDP, nagkaloob din ang DA ng mga interventions at services sa ilalim ng agricultural recovery and rehabilitation programs nito.