CARANDANG SUSPENSION | Pagpataw ng Malacañang, unconstitutional at obstruction of justice daw

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Antonio Trillanes IV na tama ang ginawa ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na huwag ipatupad ang suspensyon ng Malacañang kay Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang.

Diin ni Trillanes, tama lang na hindi sundin ni Morales ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil ito ay iligal, labag sa konstitusyon at maliwanag na Obstruction of Justice.

Ipinunto ni Trillanes na kahit saan tingnan ay maling-mali si Pangulong Duterte dahil bukod sa independent ang Ombudsman at kanyang deputies, ay hindi rin tama na pinasuspende ng Pangulo ang taong nag-iimbestiga sa umano’y mga nakaw na yaman niya.


Kasabay nito ay plano din ni Trillanes na sampahan ng kaso si Anti Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Mel Racela sa pagcover-up at pagdeny na ang mga flagged bank transaction documents ni Pangulong Duterte ay hindi galing sa AMLC.

Ayon kay Trillanes, naka saad sa minutes ng AMLC meeting noong May 2016 na ang nabanggit na mga dokumento ay parte ng Memorandum of Agreement ng AMLC sa Ombudsman.

Binanggit pa ni Trillanes na itinalaga lang ni Pangulong Duterte si Racela sa kanyang position noong January 2017, kaya hindi sakop ng kanyang termino ang mga panahong nakuha ang nabanggit na mga bank documents ng Pangulo.

Facebook Comments