Caravan ng mga PUV sa ilalim ng PUV Modernization Program  na iikot sa buong Pilipinas, sisimulan na bukas ayon sa LTFRB

 

 

Ilulunsad na bukas ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Public Utility Vehicle Caravan na iikot sa buong Pilipinas .

 

Bilang  implementing agency ng  Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), layon ng LTFRB na  isulong ang programa sa buong bansa

 

Alinsunod ito sa mga pagsisikap ng Department of Transportation na magbigay ng isang maaasahang, ligtas, sapat, madaling ma-access, environment-friendly, mahusay, at kumportableng serbisyo sa transportasyon ng publiko,


 

Unang dadaanan ng  Caravan ang   32 siyudad sa  North Luzon, 32 major cities mula  July 2019 hanggang January 2020 at ito ay hahatiitn sa apat na  phase.

 

Opisyal na pinasimulan ang programa sa Quezon Memorial Circle  dakong alas singko ng umaga bukas na pangungunahan ni Dotr Sec Arthur Tugade.

 

Pagkatapos ng activity sa Quezon city ay agad papasimulan ang  motorcade papuntang Bayanihan Park sa  Clark Pampanga para sa main launching ng  PUV Caravan.

Facebook Comments