Caravan para sa Dela Rosa – Go tandem sa 2022 election, magsisimula na ngayong linggo

257

Magsisimula na ngayong linggo ang caravan para sa tandem ng presidential aspirant na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at ang vice presidential aspirant na si Senator Christopher “Bong” Go.

Ayon kay PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag, hindi babawiin ng PDP-Laban faction ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang kanilang Bato-Go tandem, bago ang deadline para sa posibleng substitute ng political candidates sa susunod na buwan.


Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Matibag para sa initial campaign, pero tiniyak ang pagtindig tng kanilang dalawang kandidato, at pinaghahandaan na ang iba pang mga developments na maaring mabuksan hanggang sa November 15.

Handa rin ang mga ito para sa anumang posibilidad gaya ng pagbasura ni Go sa nominasyon sa kanya na maging standard bearer.

Samantala, inaabangan pa ang pag-anunsyo ng partido ng kompletong listahan ng kanilang senatorial line-up para sa 2022 elections.

Facebook Comments