‘CARBANAK’ | 3 tao na dawit sa malawakang hacking sa Estados Unidos, arestado

Estados Unidos – Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang tatlong tao na konektado sa hacking group na ‘Carbanak’.

Naaresto sa Europa sina Fedir Hladyr, Dmytro Fedorov, at Andrii Kolpakov sa pagitan ng Enero at Hunyo ngayong taon.

Si Hlady ay nasa ilalim ng U.S. Custody habang ang dalawa ay i-e-extradite.


Sangkot ang tatlo sa computer hacks sa higit 120 U.S. Companies na layong makapagnakaw ng payment card data at iba pang impormasyon mula sa customer.

Aabot sa milyu-milyong dolyar na halaga ng pera ang kanilang nanakaw.

Facebook Comments