Carbon fasting, isinulong ni Senator Legarda ngayong Semana Santa

Manila, Philippines – Maliban sa fasting o pagpipigil sa pagkain ngayong Semana Santa ay pwede rin magsagawa ng carbon fasting o pagbabawas ng carbon emissions.

Ayon kay Senator Loren Legarda ang carbon fasting ay makakatulong pa sa pangangalaga sa kalikasan sa gitna ng isyu ng climate change.

Maliban dyan ay hinikayat din ni Legarda ang publiko sa iba pang hakbang na makakagulong sa pagpreserba sa kalikasan.


Halimabawa aniya nito ang hindi paggamit ng plastic bags, paggamit ng led lights, pagkain ng mga lokal na pagkain, carpooling o pagsakay na lang sa mga pampublikong transportasyon.

Mahigpit din ang paalala ni Legarda sa pagsunod sa solid waste management act, pagtitipid sa tubig at pagtatanim ng mga puno.

Facebook Comments