Cardema, hindi pa nominee ng Duterte Youth Partylist

Nilinaw ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na hindi pa makakaupo si dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema bilang nominee ng Duterte Youth Partylist.

Ayon kay Guanzon, hangggat hindi nareresolba ng Comelec ang disqualification petition laban kay Cardema walang uupong kinatawan ang Duterte Youth Partylist sa Kamara.

Aniya, ang application for substitution ni Cardema ay binigyan ng due course pero hindi pa ito deklaradong substitute.


Giit ni Guanzon, hindi pa pinagbigyan ang substitution ni Cardema dahil may pending position pa laban rito bunsod ng kaniyang edad na lampas 30 taon gulang na hindi uubrang kinatawan ng Duterte Youth.

Sabi pa ni Guanzon, may itatakdang pagdinig para sa oposisyon sa substitution ni Cardema at hintayin na lang ang anunsyo.

Facebook Comments