Cardema, may bagong banat kay Guanzon

Manila, Philippines – Muling inatake sa social media ni disqualified Duterte youth nominee Ronald Cardema si Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Ipinost ni Cardema sa kanyang Facebook account ang screenshots ng palitan ng text messages sa pagitan niya at ang hindi pinakilalang emisaryo ni Guanzon.

Ayon kay Cardema – ang emisaryo ay isang babaeng kongresista na inatasan umano ni Guanzon na makipagnegosasyon sa kanya na may pabor kapalit ang pag-apruba sa Duterte youth application para sa party-list accreditation.


Handa si Cardema na maglabas ng matibay na ebidensya laban sa poll body official, sapat para ma-impeach siya.

Sa Twitter, sinumbatan ni Guanzon si Cardema sa mga banta nito sa kanya at sa kanyang pamulya.

Gumagawa ng ‘twisting tactics’ si Cardema para pilitin siyang baligtarin ang kanyang desisyon.

Facebook Comments