Manila, Philippines – Pinayuhan ng Commission on Elections (Comelec) si dating National Youth Commission chairperson Ronald Cardema na iwasang magkomento hinggil sa kanyang kaso.
Ito ay may kaugnayan sa mga petisyong kumukuwestyon sa kakayahan ni Cardema bilang first nominee ng Duterte Youth Partylist.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon – hindi dapat nagpapaunlak ng panayam si Cardema habang nagsasagawa ng pagdinig.
Sa ilalim ng sub judice rule, hindi maaaring magkomento at maglabas ng detalye hinggil sa judicial proceedings upang maiwasan ang prejudging sa isyu.
Facebook Comments