Itinalaga ni Pope Francis si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula bilang miyembro ng Dicastery for Bishops.
Batay sa inilabas ng Holy See Press Office, kasama ni Cardinal Advincula sina Cardinal Anders Arborelius ng Sweden at Cardinal José Tolentino de Mendonça na siyang Archivist at Librarian ng Simbahang Katolika.
Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagtalaga rin ang Santo Papa ng mga kababaihan para sa Dicastery for Bishops na siyang responsable sa pagpili ng mga bagong obispo ng simbahan.
Si Cardinal Advincula ang pumalit bilang Arsobispo ng Maynila matapos italaga naman ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang Prefect for the Congregation of the Evangelization of Peoples noong 2019
Facebook Comments