Cardinal Advincula, nanawagan ng pananampalataya para sa mga biktima ng Bagyong Odette

Nanawagan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga Pilipino na ipadama ang tunay na diwa ng Pasko sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Ayon sa Cardinal, dapat magkaisa ang sambayang Filipino sa pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng bagyo para sa kanilang pagbangon.

Ipinaalala rin nito sa mga biktima ng kalamidad na ang pagsilang ni Hesus ay tanda ng pakikiisa ng Diyos sa bawat paghihirap at karanasan ng sangkatauhan.


Sinabi rin ng Cardinal na ipinanalangin niya ang kalakasan ng bawat biktima ng bagyo gayundin ang pagbangon sa tulong ng Panginoong Hesus na isilang para magbigay ng bagong pag-asa sa bawat mamamayan.

Facebook Comments