Ginawaran ng pinakamataas na uri ng pagkilala ng France si Cardinal Luis Antonio Tagle.
Iginawad ang Legion of Honor kay Tagle dahil sa pagiging isang remarkable man ng Simbahang Katolika at pagsusulong ng mga programa na ikabubuti ng lahat.
Ilan sa mga programamg isinulong ni Tagle ang pagkalinga sa mga biktima ng karahasan at drug addiction, migrants at mga biktima ng iba’t ibang uri ng kalamidad.
Mismong si France Ambassador to the Holy See, Florence Mangin ang naggawad ng Legion of Honor kay Tagle sa Rome.
Ayon kay Tagle, ang parangal ay patunay na maayos niyang nagagampanan ang tungkulin bilang isang kagawad ng simbahan.
Facebook Comments