Balik na muli sa kanyang trabaho sa Vatican si Cardinal Luis Antonio Tagle matapos ang isang buwang pagbisita sa Pilipinas.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), dumating na sa Rome si Tagle nitong Linggo upang maipagpatuloy niya ang kaniyang trabaho bilang Prefect of the Congregation of the Evangelization of People’s.
Bago ito, pinangunahan ni Tagle ang misa noong Sabado at pinag-usapan niya ang pagkakaroon ng compassion sa paglaban sa virus.
“So we hope that a deeper collaboration will live in the midst of the pandemic. Let us show that this virus can be defeated by stronger love and sympathy,” sabi ni Tagle.
Nabatid na binisita ni Tagle ang kanyang mga magulang sa kanyang hometown sa Imus, Cavite at dumalo sa iba’t ibang event, pero naantala ito nang magpositibo siya sa COVID-19.
Sumailalim si Tagle sa quarantine at kinuhanan ng swab test pagkaraan ng dalawang linggo at nagnegatibo siya sa virus.