Ibinahagi ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang mga napag-isipan at naramdaman niya sa panahon na nilalabanan ang COVID-19.
Ayon sa Cardinal, nakaramdam siya na isa siyang banta sa lahat habang nilalabanan ang virus at hanggang sa gumaling na siya.
Aniya, nakatulong ang dasal ng nakakarami para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.
Umapela rin ang Cardinal sa mga tinamaan ng COVID-19 na magkaroon ng “deep sense of interconnectedness” o malalim na koneksyon sa isa’t isa para malagpasan ang pakiramdam ng nai-isolate, takot at anxieties.
Una nang nagpositibo sa COVID-19 si Cardinal Tagle pagdating niya sa Pilipinas mula Rome kung saan siya ay nagsisilbing Prefect ng Vatican Congregation for the Evangelization of Peoples.
Umuwi siya ng Pilipinas para ipagdiwang ang ika-90 kaarawan ng kanyang ina.