Itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang special envoy at kakatawan para sa kaniya sa pinakamalaking pagtitipon ng mga obispo sa Asya na Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa Oktubre.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), pangungunahan ng pro-prefect of the Dicastery for Evangelization ang closing mass ng 50th general conference ng FABC sa October 30.
Ang 19-day meeting ay magsisimula sa October 12 sa pastoral center ng Archdiocese of Bangkok.
Tatalakayin ng 19 na araw na conference ang mga pagsubok na kinakaharap ng simbahan sa Asya.
Nabatid na ilang taong pinamunuan ni Tagle ang Office of Theological Concerns ng FABC noong arsobispo pa siya ng Maynila bago naitalaga sa Vatican dicastery.